Arayat Pampanga...RJ farm, mulberry at grapes pick & pay
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang very inspiring na buhay sa pagtatanim ng mulberry at grapes ng mag-asawa na dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na ngayon ay full time farmer na.
Ang aking tinutukoy ay sina Raymond at Janet Guevarra, 12-taong nagtrabaho sa bansang Taiwan, owner ng RJ Mulberry at Grapes Farm na makikita sa Barangay Gatiawin, Arayat Pampanga.
Maganda ang location ng RJ Farm dahil malapit lang sa kanila at tanaw na tanaw ang bundok ng Arayat.
Ayon kay Raymond, noong mag-for-good na sila ng kanyang misis sa Pilipinas ay naisipan nilang mag-venture sa farming dahil nalilibang sila sa pagtatanim.
Ang dating libangan ay naging negosyo na ng mag-asawa at ngayon ay unti-unti nang kumikita dahil halos lahat ng kanilang naitanim ay namumunga na.
Mayroong mahigit sa tatlong ektaryang taniman ang mag-asawa. Ang dalawang ektarya ay palay, mais at gulay.
May portion o 1,000-sqm na taniman ng mulberry at 1,000sqm na taniman ng ubas na dinarayo ngayon ng marami nating kababayan, hindi lamang ng mga taga Pampanga kuni maging ng mga taga iba’t ibang lalawigan, probinsiya at lugar sa Metro Manila.
Kasalukuyang namumunga ang mga tanim na mulberry at ubas sa RJ Farm kaya binuksan ng mag-asawa sa mga bakasyunita para mag-pick and pay.
Ang team ng Masaganang Buhay ay nag-enjoy sa Pick and Pay ng mulberry dahil ang tamis ng lasa at hitik na hitik sa bunga.
Inaanunsiyo ni Raymond sa kanilang FB page na RJ Farm ang pick and pay ng mulberry at grapes kapag hinog na ang bunga ng kanilang mga tanim.
Kaya naman pami-pamilya ang dumarayo sa kanila dahil P50 lamang ang kanilang singil sa bawat cup ng Mulberry at libre kain pa kapag nasa loob ka ng farm.
Ginagawa na rin ngayong educational tour ng maraming estudyante mula sa iba’t ibang paaralan ang RJ Farm.
Marami ring tanim na red lady papaya, siling panigang, pinya, sun flower, singkamas at iba pa sa RJ Farm.
Marami pa ang plano ng mag-asawang Guevarra para lalong mapaganda ang kanilang farm, pero nga-yon pa lamang ay masisiyahan ka na sa ganda ng mga tanim at sa buong kapaligiran nito.
Isa sa team ng Masaganang Buhay ang nagsabing hindi na kailangan pang dumayo sa La Union para mag-pick and pay ng ubas dahil sa Arayat Pampanga ay mayroon na, may mulberry pa.
May sariling gawa na rin ng mulberry jam at mulberry tea ang mag-asawa.
Sa mga nais pumasyal, mag-pick and pay ng mulberry at ubas ay i-text lamang po ninyo si Raymond sa 0926-069-23-02. Magpakilala kayo at sabihin ninyo na nabasa ninyo sa kolum ng Magsasakang Reporter ang kanilang journey of farming.
Sa Linggo June 30, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Raymond at tour sa kanyang farm sa Masaganang Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest