^

PSN Opinyon

EDITORYAL — POGO hubs gawing eskuwelahan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � POGO hubs gawing eskuwelahan

MARAMI pang illegal Philippine offshore and gaming operators (POGOs) ang nag-o-operate sa buong bansa. Sabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), nasa 300 illegal POGOs pa ang kanilang mino-monitor. Pinakamalaking POGO hubs na sinalakay ng PAOCC at iba pang ahensiya ay ang nasa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga. Para sa PAOCC, ang mga POGO hubs sa dalawang nabanggit na bayan ang pinakamalalaki. Sa Bamban, ang POGO hubs ay nasa 36 na gusali na nakatayo sa malaking compound na umano’y pag-aari ng suspendidong mayor Alice Guo. Nasa likod ng munisipyo ang POGO hubs.

Mas malaki at sophisticated ang POGO hubs sa Porac na nasa 46 na gusali. Nakatayo ang mga gusali sa isang malawak na lupain. Bukod sa POGOs, nag-o-operate rin doon ang iba pang illegal na negosyo gaya ng money scam at prostitution.

Kung ang sabi ng PAOCC ay 300 pa ang illegal POGOs na nasa iba’t ibang lugar sa bansa, maaaring­ ganito rin kalalaki ang mga gusali na nakatayo sa malawak na lupain. Una na ring sinabi ng PAOCC na may mga mino-monitor silang POGO hubs sa maya­yamang subdibisyon sa Parañaque. Maaaring may mga magaganda na ring gusali ng POGOs sa Parañaque lalo pa’t maraming residente ang nagbenta na ng kanilang ari-arian sa mga dayuhan partikular ang mga Chinese.

Sa bibig na mismo ng PAOCC nanggaling na ang maraming gusali ng POGO na kanilang sinalakay ay magandang gawing eskuwelahan. Ang mga gusali ng POGO halimbawa sa Porac ay apat na palapag at kumpleto sa pasilidad. Tamang-tama bilang eskuwe­lahan. Pero sabi rin ng PAOCC, marami pang aasikasuhin bago ito ma-convert na eskuwelahan. Marami pang pagdinig ang gagawin.

Magandang ideya ang sinabi ng PAOCC na pu­we­deng gawing eskuwelahan ang mga gusali ng POGOs. Sa kasalukuyan, malaki ang problema ng DepEd sa kakulangan ng mga paaralan o classroom. Ayon sa DepEd, tinatayang 165,444, ang kakulangan­ ng classroom ngayong school year 2024-2025. Ang Cala­barzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Metro Manila ang nangunguna sa may pinakamalaking kakulangan ng classroom. Ayon pa sa DepEd nanga­ngailangan ng P105 billion taun-taon para mapunan ang kakulangan sa classroom.

Gamitin ang mga gusali ng POGO bilang mga esku­welahan. Malaking tulong ito lalo pa’t taun-taon, problema ang kakulangan ng classroom. Kung magagamit ang mga gusali, maaaring wala nang magdaraos ng klase sa ilalim ng punongkahoy o lobby ng school.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with