^

Metro

Pulis na nagpahinto ng trapik sa Commonwealth, sinibak

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis na nagpahinto ng trapik sa Commonwealth, sinibak
Ayon kay Holy Spirit Police Station commander Lt.Col. May Genio, pinatanggal na niya sa puwesto si Sergeant Verdo Pantallano matapos mag-viral ang video nito sa social media kung saan nakita ang pagtigil ng lahat ng sasakyan sa naturang lugar.
STAR/ File

Sa akalang daraan convoy ni VP Sara

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang pulis na pinahinto ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa pag-aakalang daraan ang convoy ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Holy Spirit Police Station commander Lt.Col. May Genio, pinatanggal na niya sa puwesto si Sergeant Verdo Pantallano matapos mag-viral ang video nito sa social media kung saan nakita ang pagtigil ng lahat ng sasakyan sa naturang lugar.

“I have ordered the relief of my policeman and put him under investigation to determine administrative liability for his actions. We assure the public that this incident will not happen again,” ani Genio.

Humihingi rin ng paumanhin ang ­Quezon City Police District (QCPD), dahil sa kalituhan sa panig ni Pantallano  na noo’y nagmamando ng daloy ng trapiko.

Ayon sa QCPD, nag- ‘overreact’ umano si Pantallano at pinatigil ang daloy ng trapiko “as a sign of courtesy and security” nang magkamali siya sa narinig sa salitang “VP” at inakalang si Vice President Sara Duterte ang daraan sa lugar.

Subalit, wala roon si Duterte dahil nasa Agusan del Norte ito mula pa noong Miyerkules.

Dumalo si Duterte sa 122nd Police Service Anniversary ng Philippine National Police Regional Office 13 at sa World Teachers’ Day Celebration nitong Huwebes.

Ipinaabot din ni Pantallano  ang kanyang paghingi ng paumanhin sa mga naabalang motorista kasabay ng pahayag na inakala niyang si VP Sara ang tatawid sa Commonwealth.

vuukle comment

DUTERTE

SARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with