^

PSN Palaro

Celtics puro na

Pilipino Star Ngayon
Celtics puro na
Naglambitin sa ring si Jayson Tatum ng Celtics matapos ang dakdak laban sa Mavericks sa Game 3 ng NBA Finals.
STAR/File

DALLAS — Nalampa­san ng Celtics ang pagbangon ng Mavericks mula sa isang 21-point deficit sa fourth period para kunin ang 106-99 panalo sa Game Three at ilista ang 3-0 lead sa NBA Finals.

Kumamada si Jayson Tatum ng 31 points  habang may 30 markers si Jaylen Brown para sa paglapit ng Boston sa pagwalis sa Dallas sa kanilang best-of-seven championship series at angkinin ang NBA record na ika-18 korona.

Nagdagdag si Derrick White ng 16 points  habang hindi pinaglaro si 7-foot-2 Latvian center Kristaps Porzingis dahil sa kanyang rare tendon injury sa left leg na nalasap niya sa Game Two.

“You’ve got to u­nder­stand we are just as vulne­rable if not more vulnerable than they are,” ani Cel­tics coach Joe Mazzulla. “When you understand that you’re vulnerable and your back’s against the wall, you’ve got to fight. And so that’s the mindset that we have to have.”

Binanderahan ni Kyrie Irving ang Mavs sa kanyang 35 points at humakot si Luka Doncic ng 27 mar­kers, 6 rebounds at 6 assists.

“We had a good chance,” sabi ni Doncic. “We were close. Just didn’t get it. I wish I was out there.”

Inilista ng Boston ang 91-70 kalamangan sa kaagahan ng fourth quarter bago nakalapit ang Dallas sa 92-93 agwat sa huling 3:30 minuto nito.

“Not really trying to look too much into it,” ani Tatum. “The game of basketball is about runs. It’s never going to go like you expected. If you want to be a champion, you have to be resilient in those situations, and we did that tonight.”

Sa gitna ng mainit na ratsada ng Mavericks ay natawagan si Doncic ng kanyang sixth foul sa 4:12 minuto ng laban kung saan sila nakadikit sa Celtics sa 90-93.

“We’ve been in those moments a lot,” ani Brown. “And we’ve been in those positions, and we’ve lost. It was great to overcome that with my brother, Jayson, and with our team. That was special.”

Pinamunuan nina Tatum, Brown at White ang muling paglayo ng Boston para selyuhan ang kanilang panalo.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with