^

Metro

Number coding suspendido sa pagdiriwang ng Eid’l Adha

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Number coding suspendido sa pagdiriwang ng Eid�l Adha
Muslims attend a noon time prayer on Friday at a mosque in Salam Compound, Barangay Culiat, Quezon City, just a day before the Eid al-Adha celebration on Saturday, July 9, 2022.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Suspendido bukas, Hunyo 17 ang number co­ding scheme sa Metro Manila kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha sa bansa.

Ito naman ang nakasaad sa advisory nitong Sabado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang Facebook page.

Ang Eid’l Adha na idineklarang regular holiday ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pamamagitan ng awtoridad ng Pangulo, sa Proclamation 579 na nagsasaad na ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang pinakamalaking kapistahan ng Islam.

Sinabi nito na ang deklarasyon ng regular holiday ay ginawa sa rekomendasyon ng National Commission on Filipinos, batay sa 1445 Hijrah Islamic Lunar Calendar.

Sa ilalim ng number coding scheme, pinagbabawalan ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas- 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi, depende sa huling digit ng kanilang mga plaka.

vuukle comment

EID’L ADHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with