^

Metro

‘VP Sara, wala nang ibang alternatibo kundi mag-resign’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Naipit sa pamilya at pulitika – Mayor Abalos

MANILA, Philippines — “Naipit” na umano si Vice President Sara Duterte sa pagitan ng kanyang pamilya at ng kaalyado sa pulitika, kaya’t wala na siyang ibang pagpipilian pa kundi ang kumalas na sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang pahayag ay ginawa ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr. nang hingian ng pahayag ng media, sa kanyang pagdalo sa ‘MACHRA’s Balitaan’ na buwanang idinaraos ng Manila City Hall Reporters’ Asociation sa Harbor View Restaurant, sa Maynila.

Ayon kay Abalos, naki­nita na niya ang pagbibitiw ni VP Sara sa Gabinete dahil na rin sa nagaganap na sigalot sa pagitan ng kanyang amang si dating Pres. Rodrigo Duterte at mga kapatid, at ni Pang. Marcos, na kaalyado naman niya sa pulitika.

“I have foreseen that,” ayon pa kay Abalos. “Nakakaawa naman siya (VP Sara). Siyempre, between your father and your fami­ly and your loyalty to the party, ‘yun ang nangyari sa kanya so, she has no alternative but to resign.”

Aniya pa, matapos ang pagbibitiw ni Duterte sa Gabinete, ay tiyak na magkakaroon ng realignments sa mga susunod na araw.

Sa katunayan nga aniya, kahit walang naganap na pagbibitiw, maaari pa ring magkaroon ng realignment dahil ang pagsasanib-puwersa aniya ni VP Sara at ni PBBM noong nakaraang eleksiyon ay pansamantala lamang.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with