70 baboy na may ASF, naharang sa Quezon City
MANILA, Philippines —Naharang ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Philippine National Police (PNP) sa checkpoint sa Mindanao Avenue, Quezon City ang nasa 70 baboy na kinakitaan ng sintomas ng African Swine Fever (ASF).
Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang 70 baboy na sakay ng truck ay agad na kinumpiska matapos mapansing may mga sintomas ng ASF ang ilan sa mga ito.
Nakumpirma ang pagkakaroon ng ASF sa mga baboy matapos ang isinagawang pagsusuri at nakatakda itong i-cull o patayin ngayong araw.
Ang naturang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng BAI at PNP laban sa pagkalat ng ASF sa bansa.
Lumilitaw sa datos na halos 500 baboy na may ASF na ang naharang ng BAI sa iba’t ibang checkpoint sa buong bansa simula noong Agosto.
- Latest