^

Metro

Monthly amortization sa NHA, pwede na sa 7/11 kiosk

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaari na ngayong magbayad ng kanilang monthly amortization sa alinmang 7 Eleven branches sa bansa para sa  Housing Loan sa National Housing Autho­rity (NHA).

Ayon sa NHA, layon ng hakbang na mapagaan at  mapadali ang proseso sa pagbabayad ng amortisasyon ng mga nakakuha ng utang sa Pabahay sa ahensiya

Ang inisyatibo na ito ay karagdagang serbisyo sa kasalukuyang ugnayan ng NHA at Maya Philippines Inc., na gumagamit ng Maya app upang tumanggap ng bayad mula sa mga benepisyaryo ng NHA anumang oras at kahit saan na hindi na kailangan pang pumunta sa mga District o Regional Office upang magbayad.

Ayon kay NHA Ge­neral Manager Joeben Tai, ang hakbang ay patuloy na pagsisikap ng NHA na gawing mo­derno at streamlined ang mga sistema nito sa pamamagitan ng pinadali at digitalization na mga option sa pagbabayad ng mga benepisyaryo ng programang Pabahay ng ahensiya.

Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa Republic Act (RA) 8792 o ang Electronic Commerce Act of 2000, na nag-aatas sa lahat ng ahensya ng gobyerno na tumanggap ng bayad ga­mit ang electronic means at RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 para  pagandahin ang transaksyon at serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno para sa publiko. 

Ang pakikipag-ugna­yan ng NHA sa Bayad Inc. at 7-Eleven ay nagpapatunay sa dedikasyon ng ahensya na mapabuti ang mga serbisyo nito sa pamamagitan ng pagpapadali ng mga proseso para sa mas mainam na  transaksyon sa pagitan ng ahensya at mga benepisyaryo nito.

NHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with