^

Metro

9 sunog sumiklab ngayong New Year’s Day

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam na sunog ang sumiklab sa Kalakhang Maynila sa kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Subalit ayon kay BFP spokesperson Fire Superintendent Annalee Atienza, bineberipika pa rin ang report upang makuha ang bilang.

“So far, ang nakara­ting sa national headquarters na report, ay 1 incident. However, sa unofficial sa NCR ay we noted 9 fire incidents simula 12:17 [a.m.] hanggang 5:21 [a.m.],” ani Atienza.

Inaalam din ang ­sanhi ng mga sunog.

Nabatid na mas mababa ang bilang kum­para noong nakaraang taon.

Samantala, tatlo ang nasugatan sa sunog na sumiklab sa isang gusali sa Barangay Kamuning, Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula umano ang sunog pasado alas-5 ng umaga (Ene­ro 1) sa isang tatlong palapag na residential building sa kahabaan ng K-6th St., Quezon City.

Makalipas ang isang oras ay naapula ang apoy at hindi na kumalat pa sa mga katabing kabahayan.

BAGONG TAON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with