Lalaki itinumba sa Pasay
MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki na kalalabas pa lamang ng bahay nang barilin ng ‘di pa tukoy na salarin, sa Pasay City, sa unang araw ng taon.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Cyris Abaya, 37, residente ng Barangay 176, Pasay City.
Sa inisyal na ulat ng Malibay Police Community Precinct (PCP), dakong ala-1:35 ng hapon ng Enero 1, 2025.
Ang insidente ay inireport ni Barangay Kagawad Michael Albesa sa Maliba PCP na agad nirespondehan ala-1:50 ng hapon.
Habang naglalakad-lakad umano ang biktima na kalalabas pa lamang ng bahay nang biglang may sumulpot na lalaki at pinagbabaril siya.
Duguang bumagsak ang biktima sa kalye at agad namang tumakas ang suspek.
Nagsasagawa pa ng hot pursuit operation ang pulisya para sa ikadarakip ng suspek.
- Latest