^

Metro

PWDs, seniors sa Quezon City at Marikina, inayudahan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasabay ng ika-163 kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal, namahagi ng tulong sa mga residente ng Payatas, Quezon City at Marikina si Senador Francis Tolentino.

Nabatid na umaabot sa 2,400 ang benepisaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa Brgy. Payatas at Commonwealth sa QC, at sa Fortune at Marikina Heights sa Marikina City.

Bukod pa ito sa mga wheelchairs na ipinamahagi sa mga persons with disability (PWDs) at senior citizens sa mga naturang barangay.

Paliwanag ni Tolentino na dapat na pairalin ng bawat Pilipino ang pagtulong sa mga kapwa Pilipino partikular ang mga mahihirap.

Dagdag pa ni Tolentino na malapit sa kaya ang lungsod Quezon dahil bukod sa dati siyang MMDA chairman magkaibigang matalik ang kanyang ama at si dating House Speaker Sonny Belmonte.

Hindi umano siya mapapagod na lumibot sa lungsod upang mag­hatid ng serbisyo at tulong.

Nagpasalamat naman si Brgy. Payatas Chairman Rascal Doctor kay Tolentino sa pagtulong nito sa kanilang barangay at sa iba pang barangay sa lungsod.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with