^

Metro

2 kidnaper ng Chinese timbog sa Taguig, 5 pa tugis!

Ed Amoroso, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 kidnaper ng Chinese timbog sa Taguig, 5 pa tugis!
Kinilala ni Taguig City Police acting chief Col. Christopher Olazo ang mga nadakip na isang buy and sell agent at isang construction worker na sina Erwin Angeles, 30-anyos at Richard Mendoza, 36; ayon sa pagkakasunod, sa follow-up operation sa Samasipat Street, Barangay Sta. Ana, Taguig City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawa sa pitong hinihina­lang mga kasapi ng kidnap-for-ransom group (KFRG) na responsable sa pagdukot sa isang 19-anyos na Chinese student na pinakawalan matapos makapagba­yad ng P1.1-milyong ransom nitong Hunyo 17, 2024, sa Taguig City.

Kinilala ni Taguig City Police acting chief Col. Christopher Olazo ang mga nadakip na isang buy and sell agent at isang construction worker na sina Erwin Angeles, 30-anyos at Richard Mendoza, 36; ayon sa pagkakasunod, sa follow-up operation sa Samasipat Street, Barangay Sta. Ana, Taguig City.

Lima pang suspek na responsable sa pagdukot sa Chinese national na si Honsen Liu, naninirahan sa Brgy. San Nicolas, Manila, ang pinaghahanap na ng awtoridad.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) director, P/Brig. General Leon Victor Zamora Rosete, nitong nakalipas na Lunes ng umaga nang maganap ang insidente sa Barangay Sta. Ana, Taguig City. Nadakip ang mga suspek alas-6:30 ng umaga ng Hunyo 18, sa Block 12 Lot 5, Masipag St., Pulong Kendi, Brgy. Sta Ana, Taguig City.

Sa imbestigasyon, nabatid na nakilala ng biktima ang isang alyas “Izzy” sa pamamagitan ng isang messaging app at napagkasunduan nilang magkita-kita sa isang fast food chain sa Brgy. Tuktukan, Taguig City.

Ayon sa biktima, sinama siya ni Izzy sa nirerentahang bahay nito sa Brgy. Sta. Ana, Taguig City kung saan may limang lalaki na nambugbog umano sa kanya, piniringan siya at hindi pinayagang makaalis.

Humingi ang mga suspek ng ransom na ?5,000,000 mula sa ama ng biktima kapalit ng kalayaan ng kanyang anak at sa negosas­yon ay naibaba ito sa ?1,100,000 milyon.

Isang alyas “Sean” na sakay ng motorsiklo ang kumolekta ng P1.1-milyong ransom nang makipagkita sa isang mall sa may C-5 Roas sa Bonifacio Global City nitong Lunes ng gabi.

Nang makuha ang pera, dinala naman ng mga kidnappers ang biktima sakay ng isang ‘di pa batid na behikulo sa isang lugar sa Angono, Rizal kung saan siya pinakawalan kinaumagahan.

Nang makauwi ay isinuplong ng biktima ang pangyayari sa Manila Police District-Station 11 na agad naki­pag-ugnayan sa Taguig City Police Station. Sa tulong ng ilang saksi at paggamit ng social media ay nakilala ang mga suspek.

Isinagawa ang follow-up operation sa pa­ngunguna ni P/Brig. Gen. Rosete at P/Lt. Colonel Rossel Icejas ng Luzon Field Unit, Anti-Kidnapping Action Team at nadakip ang mga suspek na nasamsaman din ng isang kalibre 38 baril na kargado ng limang bala.

vuukle comment

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with