^

Metro

Bahay ‘kinubkob’ ng mga dating boarders, 7 timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bahay �kinubkob� ng mga dating boarders, 7 timbog
Kinordon ng mga tauhan ng QCPD ang bahay sa Magat Salamat St. sa Quezon City na umano’y ‘kinubkob’ ng pito katao dahil sa usapin ng land dispute.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Matapos ang halos 12 oras na tensiyon, naaresto na ng Que­zon City Police District (QCPD) Station 8 at SWAT ang pito katao kasama ang isang babae na umano’y leader sa pagte-take over sa isang bahay sa Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, away sa lupa ang dahilan ng umano’y pagkubkob ng mga suspek sa isang bahay sa Magat Salamat
St. corner J.P Rizal Ave. Brgy. Marilag, Quezon City.

Hindi muna ibinun­yag ang pangalan ng mga suspek.

Lumilitaw sa paha­yag ng ilang residente dating nangungupahan ang mga suspek sa nasabing bahay.

Alas-6 ng hapon nitong Biyernes nang dumating ang mga ito upang makipag-inuman hanggang sa pinalabas ang mga nakatira at pinadlock ang bahay.

Sinasabi umano ng mga suspek na sila ang nagmamay-ari ng bahay at hawak nila ang ilang mg dokumento.

Unang inakala na hostage taking ang insidente kaya naging maagap ang QCPD sa pagpapadala ng SWAT.

Ilang kalye malapit dito ang bahagyang isinara upang hindi madaanan ng mga motorista at malapitan ng ibang sibilyan.

Magsasagawa ng inspeksiyon ang mga tauhan ng Explosives Ordnance Division sa sa posibilidad na may mga pampasabog o baril na naiwan naitago ang mga suspek.

Nagbanya rin anila ang “leader” na babae na gaganti ng putok ‘pag sinalakay sila.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya upang malaman ang tunay na dahilan ng insidente.

vuukle comment

QUEZON CITY.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with