^

Metro

Pekeng MTPB officer tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang pekeng traffic enforcer ng Maynila ang hinuli habang naninita ng mga motorcycle riders sa panulukan ng Quirino Avenue at Osmeña Highway, sa Malate, Maynila, kahapon ng tanghali.

Ang suspek na si alyas “Mark”, 38, residente ng Tondo, Maynila ay nakatakdang sampahan ng reklamong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Autho­rity) and Official Functions) at Art. 179 (Illegal Use of Uniform or Insignia) sa Manila Prosecutors Office.

Sa ulat, dakong ala-1:35 ng tanghali nitong Sabado, nang arestuhin nina Traffic Enforcers Angelito Tongol Jr. at Joselito Galicio, kapwa miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau Sector 5 ang suspek sa nasabing lugar.

Sinamsam mula sa suspek bilang ebidensiya ang isang polo shirt na official uniform ng MTPB traffic enforcers; isang Baofeng handheld radio; at ballpen.

Nagulat umano ang dalawa nang mamataan ang suspek na nagmamando ng trapiko at pinapara ang mga dumaraang motorsiklo gayung silang dalawa ang nakadestino sa erya.

Sa utos ni Sector commander Demetrio Tupas, hi­ningan ng identification card ang unipormadong suspek subalit walang maipakita kaya inaresto at dinala sa tanggapan Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) para sa disposisyon.

vuukle comment

MAYNILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with