^

Metro

Barangay Manggahan, ospital prayoridad kalusugan ng mga residente

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang mas matutukan ang kalusugan ng mga residente, nakipagkasundo ang isang barangay sa lungsod ng Pasig sa Pasig Doctors Medical Center kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan nitong Miyerkules.

Sa pamamagitan ng memorandum of agreement (MOA) lumagda sina Brgy. Chairman Quin “Kin” Cruz ng Brgy. Mang­gahan at PDMC President Dr. Mayumi Gillan matapos na ideklarang “adoptive barangay” ng nasabing ospital.

Umaasa ang Brgy. Manggahan at ang PDMC na mas titibay ang kanilang partnership sa pagpapatupad ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga Pasigueño pagdating sa usapin ng kalusugan.

Ayon kay Cruz na mahalaga ang papel ng PMDC sa paghahatid ng kanilang mga programang pangkalusugan

Dagdag pa ni Cruz, titingnan din nila kung paano makatutulong ang kanilang partnership sa pribadong ospital sa Mang­gahan Health Promotion and Education Office sa pangunguna ni Ms. Violy­ Oteyza at Kagawad Cedie Cruz.

Bukod sa MOA sig­ning, nagsagawa rin ng medical mission ang PDMC, na kinabilangan ng eye consultation, cyst, general at internal medicine, at OB Gyne consultations sa mga Pasigueño.

vuukle comment

PASIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with