^

Metro

P6.8 milyong halaga ng shabu nasabat sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang nasa P6.8 milyong halaga ng shabu na nagresulta sa pagkaaaresto ng umano’y ‘bigtime tulak’ kahapon ng madaling araw sa Dagat-Dagatan, Calooocan City.

Sa report na tinanggap ni National Capital Region Police Office (NCPO) Director PMGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., nakilala ang suspek na si Albert Regpala, 29, alyas Francis.

Ayon kay Nartatez, dakong alas-12:26 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa Block 9 Lot 16, Tanigue St., Samatadd Compound, Brgy. 14, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Nag-ugat ang anti-drug operation sa intelligence operation ng mga ope­ratiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng NPD.

Nakuha sa suspek ang nasa 924.5 gramo ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na may Standard Drug Price na P6,800,000.00.

Sasampahan ng paglabag sa R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.

Tiniyak naman ni NPD Director PBGen. Rizalito Gapas na mas paiigtingin pa nila ang kanilang kampanya laban sa illegal na droga.

Ayon naman kay Nartatez, ang pagkakasabat ng malaking halaga ng shabu ay indikasyon sa walang tigil na monitoring at pagbibigay ng seguridad ng mga pulis sa kanilang nasasakupan.

“Let this operation serve as a stern warning to all drug pushers in the Metro: we are watching, we are prepared, and we will not rest until every last one of you is brought to justice,” dagdag pa ni Nartatez.

vuukle comment

CALOOOCAN CITY.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with