Wag idamay ang gobyerno sa kapalpakan
October 6, 2005 | 12:00am
Pinayuhan ni Davao del Sur Rep. Douglas Cagas si JIL evangelist, Bro. Eddie Villanueva na huwag isali ang pamahalaan sa problemang kinakaharap nito para lamang makakuha ng simpatiya mula sa mamamayan.
Sinabi ni Rep. Cagas na walang mapapala ang gobyerno sa kasong estafa ni Villanueva at hindi naman tao ng gobyerno ang nagsampa ng kaso laban sa natalong presidential candidate.
Ayon pa kay Cagas, ang kawalan ng interest ni Villanueva na paghandaan ang kanyang depensa sa kaso ang dahilan kung bakit ipinag-utos ng korte ang pag-aresto dito.
Kinastigo rin ni Cagas ang ginagawang pamumulitika ni Villanueva sa kanyang kaso matapos na tumanggi itong maghain ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan.
"His only basis for blaming the government is First Gentleman Mike Arroyos relationship with the complainant. This is totally flimsy and absurd," dagdag ni Cagas. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended