Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-58 labas)
September 9, 2004 | 12:00am
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM.Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.)
MALAMIG sa loob ng mall. Araw ng Linggo kaya maraming tao. Pasado alas diyes na ng umaga noon. Naglakad-lakad ako. Napadako sa tindahan ng sapatos. Sale roon. Nakipagsiksikan sa mga lalaking pumipili ng rubber shoes. Wala naman akong balak bumili. Gusto ko lang patayin ang oras doon.
Nang magsawa ako sa tindahan ng sapatos ay sa bookstore ako nagpunta. Sa section ng Engineering books ako nagbabad. Nagbuklat nang nagbuklat nang may kinalaman sa Communications Engineering. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Alas dose na pala. Kaya pala humahapdi ang tiyan ko. Kaninay kaunti lamang ang kinain ko. Dala marahil ng pag-iisip ko sa nalalapit na pagdating ni Kuya Felipe. Maikli ang tatlong linggo. Lalong humapdi ang tiyan ko sa pagkaalala kay Kuya Felipe. Baka mapatay niya ako kapag nalaman ang ginagawa namin ni Ate Tet. Ahas! Iyon ang unang sumilid sa isip ko na maaaring sabihin sa akin ni Kuya Felipe. Walang utang na loob. Pinakain sa palad tapos ay tutuklawin. Ano itong nagawa ko?
Tulirong nagtungo ako sa food center sa basement para kumain. May pera pa naman ako. Naitatabi ko pa ang perang ibinigay sa akin ni Kuya Felipe noon.
Umorder lang ako ng pansit at isang softdrink. Sa palagay ko hindi rin ako gaanong makakakain.
Pagkakain, balik uli ako sa bookstore at nagbasa muli.
Gabi na ako lumabas. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended