ADVICE: Ang mga taong dapat hayaan mo na ang mga ginawa sa’yo para mag-move on ka na
Dear Tita Witty,
Tama bang mag-move on na ako?
People of the Philippines
Dear People of the Philippines,
‘Yung ex mong sinaktan ka, niloko ka at pinaiyak ka at hindi man lang nag-sorry. Hayaan mo na, hindi naman pogi.
‘Yung ex mong sinaktan ka, niloko ka, pinaiyak ka, pero nag-sorry kasi nahuli mo na. Pero friends lang daw talaga sila. Hayaan mo na, ganun talaga kapag ikaw ay starts with T, rhymes with panga.
‘Yung hindi mo naman naging ex pero nasaktan ka, nagpaloko ka, at napaiyak ka kasi umasa ka kahit sinabi na ng friends mo na huwag. Hayaan mo na, ganun talaga kapag ikaw ay starts with L, rhymes with toka-toka.
‘Yung classmate mong ipinagkalat sa school na may body odor ka. Hayaan mo na, totoo naman yata.
‘Yung officemate mong ipinagkalat sa office na may body odor ka. Hayaan mo na, at maligo ka kasi, ano ba.
‘Yung tumalo sa ‘yo sa Mr./Ms. High School. Hayaan mo na, hindi mo naman ‘yun magagamit sa buhay pagtanda mo.
‘Yung laging tumatalo sa’yo sa mga quiz bee at singing contest. Hayaan mo na. Ang importante, ngayon, marunong kang magbilang ng pera mo at nakaka-100 ka sa videoke.
‘Yung boss mong hindi mo alam kung saang impyerno galing. Hayaan mo na, hindi mo na siya boss at malamang ‘yun na rin ang tingin sa’yo ng staff mo ngayon.
‘Yung friend mong hindi na nagbayad ng utang pero travel nang travel. Hayaan mo na, patirin mo na lang next time.
‘Yung batchmate mong bully. Hayaan mo na, abangan na lang natin sa kanto.
Hayaan mo na, kasi hindi ka naman nila ninakawan ng pera, ng karapatan, ng dignidad, at ng buhay. Hayaan mo na, wala namang kinailangang ipaglaban ang mga magulang mo sa EDSA para matigil ang chismis na may body odor ka. Tapos na ‘yun, pero hindi mo sila dapat bigyang parangal. Tapos na ‘yun, kaya hindi mo na sila dapat pabalikin pa. Hayaan mo na, mag-move on ka na.
xoxo
Tita Witty
* * *
Send in your tatanga-tanga sa pag-ibig questions to deartitawitty@gmail.com.