^

Punto Mo

AI at robot kakaribal sa OFW nurse/caregiver

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MATAGAL nang sinusubukan sa mga ospital sa ibang bansa ang paggamit ng mga robot na maaaring tumingin, umalalay, sumubaybay, humarap at tumulong sa mga pasyente. Ginagawa ng mga robot na ito ang trabaho ng mga taong nurse at caregiver bagaman meron pa rin namang mga kahinaan ang una lalo na sa mga bagay na tanging mga tunay na taong nurse lang ang makagagawa.

Pero dumating ang panahon sa pag-usbong at pag-unlad ng mga tinatawag na artificial intelligence na isang sopistikadong computer program na bukod sa mga robot ay nagagamit na rin sa mga pagamutan. Sinasabing dumarami na ang mga ospital sa mundo na gumagamit ng mga ganitong AI na kayang magtrabaho nang 24-oras sa maghapon at magdamag araw-araw nang walang patlang o pahinga.

Nakaka-monitor ito ng mga vital signs ng pasyente,  nagbibigay ng alerto sa mga sitwasyong emergency, at nagbubunsod ng mga hakbang sa pangangalaga sa mga pasyente na trabaho rin ng mga nurse at ibang health professional. Binabawasan nito ang trabaho ng mga nurse na tao habang tinutugunan ang kakulangan ng staff sa mga ospital.

Siyempre pa, may reserbasyon dito ang ilang grupo ng mga nurse dahil sinasapawan ng AI ang kanilang kasanayan at pinabababa ang kalidad ng pag-aalaga sa mga pasyente. Meron ding obserbasyon na nakapagbibigay ng false alarm hinggil sa mga pasyente ang ganitong teknolohiya.

Ano ang epekto o magiging epekto nito sa mga Overseas Filipino Worker o sa mga permanenteng migranteng Pinoy na nagtatrabaho bilang mga nurse at caregiver sa ibang bansa? ­Mababawasan kaya o mahihinto ang pangangailangan sa mga OFW nurse at caregiver dahil sa AI at robot?

Lubhang napakarami ng mga Pilipino nurses sa ibayong-dagat na kabaliktaran ng napakaliit na bilang ng nurses sa Pilipinas. Karaniwan nang makakatagpo ng nurse na Pilipino sa mga pagamutan sa United States, Canada, United Kingdom, Europe, South America, Midddle East, Africa,  South Korea  at Japan.

Patuloy silang dumarami dahil marami pa  ring mga nurse na Pilipino ang lumalabas ng Pilipinas para humanap o tumanggap ng mas magandang oportunidad sa dayuhang bansa.

Kaso nga, unti-unti nang nagagamit ang mga AI at robot sa ilang mga ospital sa ibang bansa tulad nga sa Amerika, UK, Germany, India, Japan  at China halimbawa.

Sabagay, iba’t iba naman ang trabaho ng mga nurse. Hindi naman lahat ay aktuwal na nag-aasikaso at nagbabantay sa mga pasyente. Merong mga nasa administrasyon, management, napu-promote sa mas mataas na posisyon, mga teknikalidad, nagtuturo at ibang gawain na hindi nangangailangan ng aktuwal  na pagharap sa pasyente.

Nariyan din yung napupunta sa trabahong secretarial o clerical. Pero, dahil nga nagkakaroon ng kakulangan ng mga staff sa mga ospital, nadodoble ang trabaho ng mga nurse na lubhang stressful sa kanila na tumingkad noong kasagsagan ng COVID-19. Kaya isa ring kaluwagan sa mga ospital ang paggamit ng AI at mga robot bilang nurse.

Pero, kung tatanawin ang malayong hinaharap, magiging kuwestiyon dito ang lulugaran ng mga OFW na nurse at caregiver kung sakaling tuluyan nang maging malaganap ang mga AI nurse sa mga ospitral sa ibang mga bansang gumagamit ng ganitong teknolohiya. Ganundin sa sitwasyon ng mga nurse na Pilipino na naging permanente nang residente o citizen ng kinaroroonan niyang dayuhang bansa. Mababawasan kaya ang pangangailangan nila sa mga nurse na Pilipino?

-oooooo-

Email: rmb2012x@gmail.com

COVID-19

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->