^

Punto Mo

‘Labaha’ (Part 13)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, narinig ko ang pag-uusap nina Inay at Tito Nonoy. Nasa kuwarto sina Inay, bukas ang pinto ng kuwarto kaya dinig na dinig ko ang pag-uusap.

“Ang dami kong customer kahapon, Tina. Sunud-sunod ang nagpapagupit. Ang laki ng kinita ko kahapon. Siguro, ngayong araw na ito ay marami uli akong customer.”

“Salamat sa Diyos at ­marami kang customer.’’

“Matutupad na rin ang pangarap natin na mapag-aral sa Maynila si Paul. Di ba gusto niya ay sa Maynila mag-aral ng kolehiyo.’’

“Oo Nonoy. Gusto niyang mag-aral ng civil engineering.”

“Matutupad ang gusto niya. Makakapag-ipon pa tayo nang marami dahil ilang taon pa bago siya mag-aral sa Maynila.”

“Salamat Nonoy at inaalala mo ang kinabukasan ni Paul.”

“Siyempre naman. Anak ko na rin naman siya.’’

“Napakabuti mo, Nonoy.”

“Kaya nga iniingatan ko ang aking labaha. Yun ang mahalaga kong gamit. Kapag nawala ang labaha, maa­apektuhan ang paggugupit ko.’’

“Lagi ko ngang nakikita na hinahasa mo ang labaha.”

“May madyik yata ang labahang yun—umaakit ng customer!”

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->