Kumusta ang kaso ni Jose Antonio Sanvicente?
KUMUSTA na ang kaso ni Jose Antonio Sanvicente? Ano na ang nangyari sa kaso nito?
Matatandaan na si Sanvicente ang driver ng SUV na sumagasa sa isang pobreng security guard sa Mandaluyong last June 5.
May pag-asa pa kayang makamit ang hustisya ng pobreng biktima?
Aandar pa kaya ito?
Naku ha!
Ano ba ito?
Sabi ng mga urot, may tsismis na kumakalat na frustrated murder umano ang kaso pero mukhang may nagpapasayaw pa nito sa ere?
Bakit kaya?
Abangan.
• • • • • •
Ang Monkeypox
Nakakatakot ang sakit na baka pumasok sa Philippines my Philippines dahil 17,000 madlang people sa 74 bansa ang nadale nito.
Ika nga, global health emergency ito matapos magdeklara ang World Health Organization kaya naman dapat todo bantay ang gobierno todits!
Sabi nga, hindi ito birong sakit!
Ang sakit na nakakamatay, nakakahawa ay tinawag na panghipops este mali monkeypox pala. hehehe!
Na-monitor ng mga dalubhasa ang pagtaas ng sakit na monkeypox sa labas ng West at Central Africa countries dahil nga ito ay matagal ng pandemic dito.
“Public health emergency of international concern ito,’’ sabi ni WHO bossing Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Sabi sa pag-aaral, karamihan sa nagkasakit o tinamaan nito ay mga gay o bisexual na mahilig sa mga sex parties at mga saunas.
Ang mga sintomas ng monkeypox ay lagnat, sakit ng ulo, sakit ng katawan at likuran sa loob ng 5 days. Bukod dito, magkakaroon ang pasyente ng mga rashes sa mukha, palad , talampakan kasunod ng lesions, spots at scabs.
Dapat mag-ingat ang madlang Pinoy sa sakit na ito dahil nakakatakot ang monkeypox.
Sabi nga, tandaan!
Abangan.
- Latest