^

Punto Mo

Problema sa trapiko, gawing election issue

Ely Saludar - Pang-masa

BALIK na sa matinding trapiko ang Metro Manila.

Matapos ang ilang araw na maluwag ang daloy ng trapiko, balik na ang kalbaryo ng mga motorista.

Ayon sa babala ng isang senior official ng American Chamber sa Pilipinas na si John Forbes sa susunod na apat na taon ay maaring hindi na karapat-dapat pang manirahan sa Metro Manila dahil sa papalubhang problema sa trapiko.

Ito ay kung hindi mabibigyan ng solusyon ng gobyerno ang pagsasaayos sa mga kalsada at iba pang imprastraktura na may kinalaman dito.

Dapat ay gawing isang malaking isyu sa kampanya sa eleksiyon ang problema sa trapiko sa Metro Manila. Lahat nang presidential candidates ay dapat ilatag ang detalyadong solusyon dito.

Alam nang lahat na kapag nadiskaril ang kabuhayan at kalakalan sa Metro Manila ay apektado ang buong bansa.

Malalaman kung sino sa mga presidential candidates ang may solusyon at matapang na ilalatag ang tamang programa upang maibsan ang problema sa trapiko.

Sa ngayon, isa sa ugat ng problema sa trapiko ay ang sobrang dami ng mga sasakyan kaya kinakailangan nang magretiro ng mga lumang sasakyan maging pribado o pampasahero man.

Tiyak na tataguriang anti-poor ang hakbang na alisin na sa kalsada ang mga lumang sasakyan pero isa ito sa solusyon bukod pa sa pagsasaayos ng mga kalsada at mass transportation.

Kadalasan, ay naduduwag ang mga opisyal ng gobyerno sa pangunguna ng presidente na ipatupad ang mga mabibigat ng desisyon tulad sa pagbabawal sa mga lumang sasakyan dahil kaliwa’t kanan ang ibabatong batikos bukod pa sa mga kilos protesta.

Abangan kung makakayanan ng mga kandidato sa pagka-presidente ang paglalatag nang mabigat na plataporma sa trapiko para na rin sa interes ng mamamayan.

ABANGAN

ALAM

AMERICAN CHAMBER

ANG

AYON

DAPAT

ITO

JOHN FORBES

METRO MANILA

MGA

TRAPIKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with