Buy-bust operation sa mall parking lot P3.4 milyong shabu samsam sa 2 ‘big-time pusher’

CAVITE, Philippines — Nalambat ang dalawang hinihinalang big-time drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng isang mall, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Gatid Sta Cruz Laguna.
Ang mga suspek na tinukoy ng pulisya sa mga alyas na Leo at Allan, kapwa residente ng nasabing lugar at nasa listahan ng mga High Value Target ng pulisya ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9156 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa imbestigasyon, alas-5:05 ng hapon nang ilatag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Regional Office 4A ang buy-bust operation laban sa dalawang suspek. Isinagawa ang drug deal sa parking lot ng likurang bahagi ng Sun Star Mall sa Sta. Cruz, Laguna.
Nang magkaabutan ng droga at buy-bust money, agad na inaresto ang dalawang suspek na nakumpiskahan ng isang gray sling bag na may 5-transparent plastic na nakabuhol na naglalaman ng mahigit 500 gramo ng shabu na nagkakalahaga ng P3,400,000.
Narekober din sa mga suspek ang buy-bust money, cellphone na gamit nila sa transaksyon, mga ID at isang dark green na Yamaha NMax (D146KF).
- Latest