^

Probinsiya

Rider dedo sa karambola ng 3 sasakyan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Rider dedo sa karambola ng 3 sasakyan
Mabilis na isinugod sa magkahiwalay na pagamutan ang motorcycle rider at driver ng tricycle pero hindi na umabot nang buhay ang rider na si “Berto”, nasa hustong gulang at residente ng naturang bayan.
STAR/File

LABO, Camarines Norte, Philippines — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang motorcycle rider matapos na magkalasug-lasog ang katawan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Bautista, Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Mabilis na isinugod sa magkahiwalay na pagamutan ang motorcycle rider at driver ng tricycle pero hindi na umabot nang buhay ang rider na si “Berto”, nasa hustong gulang at residente ng naturang bayan.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi magkasunod na binabagtas ng SUV na Toyota Avanza at tricycle ang kahabaan ng highway nang pagdating sa Brgy. Bautista ay mabilis na nag-overtake ang SUV pero sumabit ito sa tricycle dahilan para mawalan ng kontrol at lumihis ng direksyon hanggang sa napunta sa kabilang linya dahilan para bumangga sa kasalubong na motorsiklo ng biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, nadurog ang motorsiklo at nawasak ang tricycle pati ang unahang bahagi ng Toyota Avanza.

Isinugod sa Labo District Hospital si Berto pero hindi na umabot nang buhay habang dinala naman sa Camarines Norte Provincial Hospital sa Daet ang trike driver. Sumuko sa mga rumespondeng pulis at nahaharap sa patung-patong na kaso ang hindi na pinangalanang driver ng SUV.

MAHARLIKA HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with