‘Drug dealer’ huli sa P6.8-M shabu sa Lanao del Sur
COTABATO CITY, Philippines — Isang kilo shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon ang nasamsam ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buy-bust operation laban sa isang hinihinalang drug dealer sa Lanao del Sur nitong Biyernes.
Ayon kay Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nasa kustodya na nila ang suspek na si Alimar Mama Matalicop, matapos maaresto sa pagbebenta ng isang kilong shabu sa isang poseur buyer sa Barangay Western, bayan ng Wao ng nasabing lalawigan.
Ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip kay Matalicop, residente ng Barangay Kadingilan, Wao, Lanao del Sur ay bunga na suporta ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., ng Wao Municipal Police at 55th Infantry Battalion ng Philippine Army, ayon kay Castro.
Sinabi ni Castro sa mga reporters dito na sasampahan ng PDEA-BARMM si Matalicop sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kung saan gagamitin nilang ebidensya ang nakumpiskang P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa kanyang ag-iingat.
- Latest