^

Probinsiya

Tindahan na bagong bukas, niratrat: 2 todas!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Tindahan na bagong bukas, niratrat: 2 todas!
Masusing sinisiyasat ng SOCO team ang tindahan na inatake at pinag- babaril ng isang ‘di kilalang suspek na ikinasawi ng tindera nito, at isang nagkakapeng obrero nitong Sabado sa Mother Brgy Poblacion, Cotabato City.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines —  Agad na namatay ang isang lalaking kustomer at isang babaeng tindera nang pagbabarilin ng isang salarin habang nagkakape sa isang kabubukas lang na tindahan sa Cotabato City nitong madaling araw ng Sabado.

Sa pahayag nitong Linggo ni Major John Vincent Bravo, hepe ng Cotabato City Police Station 1, agad na pumanaw sa mga tama ng bala sina Guiamel Kahal, 55-anyos, isang obrero, at ang 48-anyos na tinderang si Bai Sla Sendad Kamid, sanhi ng naturang pamamaril.

Nabatid sa imbestigasyon na kabubukas

lang umano ni Kamid ng pinagtatrabahuang tindahan sa gilid ng kal­ye sa Mother Barangay Poblacion, Cotabato City at nagkakape naman sa bungad nito si Kahal na isang kargador, mensahero at tagalinis ng ilang mga tindahan sa naturang lugar, nang sila ay lapitan ng isang lala­king may bitbit na pistol at agad silang pinaulanan ng bala na nagsanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng lokal na pulisya kung sino ang pumatay sa dalawa na mabilis na nakatakas at kung ano ang motibo nito sa pagsagawa ng naturang krimen.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with