Mayor nanampal ng cameraman, kinasuhan!
Sa coverage ng ‘suspension order’
BAGUIO CITY, Philippines — Isang cameraman ng Pangasinan-Information and Media Relations Office (PIMRO) ang pormal na nagsampa ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman laban sa isang alkalde ng lalawigan dahil sa pananampal at puwersahang pagkuha umano sa kanyang video footages ng nakalipas na buwan.
Sa tinanggap ng Ombudsman na reklamo nitong Setyembre 6, 2024, kinasuhan ni Jairus Bien Fernandez Sibayan, videographer ng PIMRO si Urdaneta City Mayor Julio F. Parayno III at iba pang “John Does” ng paglabag sa RA 4019 o Anti-Graft Practices, Slight Physical Injuries, Robbery with Violence or Intimidation of persons, Slander, at Slander by Deed.
Nagsampa rin si Sibayan ng administrative cases laban kay Mayor Parayno III dahil sa Grave Misconduct, Grave Abuse of Authority, Conduct Unbecoming of a Public Officer, Gross Immoral Conduct, and Conduct Prejudicial to the Interest of Public Service.
Ang mga kaso ay nag-ugat dahil sa naganap na insidente noong Agosto 12, 2024 nang si Sibayan ay italaga ng Pangasinan PIMRO na ikober at idokumento ang pagsisilbi ng preventive suspension order laban Parayno III.
Nabatid na ang Executive Assistant ni Pangasinan Gov. Ramon Guico III na si Atty. Ronn Dale Beltran Castillo ang nagdala ng suspension order na pirmado ng governor.
Nagalit umano si Parayno III nang kunan ni Sibayan ng video ang pagtatalo sa pagitan ng naturang mayor at ni Castillo habang isinisilbi ang suspension order.Bunsod nito, sinampal umano ng mayor si Sibayan sa kaliwang pisngi at hinablot umano ang camera nito saka tinanggal ang SD memory card.
Si Parayno III ay pinatawan ng 90-day suspension Pangasinan Sangguniang Panlalawigan (SP) matapos na madiskubre ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na lumabag siya sa Ease of Doing Business law (RA 11032) nang tumangging mag-isyu ng business permit sa REVM Tiposu Poultry Farm Inc. noong 2021.
Nilagdaan ni Gov. Guico III ang 90-days suspension ni Parayno III noong Agosto 8, 2024.
Sa reklamo ni Sibayan sa Ombudsman, pinagsalitaan din umano siya ng masama ng mayor at sinabing ang mga boss nito ay mga “smugglers and illegal miners”.
Kinondena ni Pangasinan PIMRO head Dhobie de Guzman ang ginawa ni Parayno III at sinabing ginagawa lang ng kanyang staff ang tungkulin bilang government videographer.
Mayor nanampal ng cameraman, kinasuhan!
Artemio A. Dumlao

- Latest