^

Probinsiya

Kelot arestado sa 2 kilo ng shabu sa Zamboanga City

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Kelot arestado sa 2 kilo ng shabu sa Zamboanga City
Iprinisinta ng mga otoridad sa media ang naarestong drug suspek sa isang buy-bust operation sa Barangay San Jose Gusu sa Zamboanga City nitong madaling araw ng Biyernes. Nasamsam sa suspek ang nasa P13.6 milyon halaga ng shabu.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga mga hindi unipormadong mga pulis ang abot sa dalawang kilong shabu sa isang dealer na na-entrap sa Barangay San Jose Gusu sa Zamboanga City nitong madaling araw ng Biyernes.

Sa pahayag nitong Sabado ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masau­ding, director ng Police Regional Office-9, agad na inaresto ng mga ope­ratiba ng Zamboanga City Police Office ang lalaking suspect matapos silang bentahan ng dalawang kilong shabu, nagkakahalaga ng P13.6 million, sa isang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay San Jose Gusu.

Nailatag ang natu­rang matagumpay na operasyon sa tulong ng tanggapan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe, ayon kay Masauding.

Ayon kay Masauding, nakakulong na sa detention facility ng Zamboanga City Police Station 11 ang naarestong shabu dealer at sasampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with