^

Probinsiya

Tirador ng motor, timbog habang namamasyal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ng pulisya ang isang hinihinalang karnaper na namasyal pa matapos umano nitong tangayin ang motorsiklo ng isang factory worker na nanood lang ng liga ng basketball sa Brgy. Malia, bayan ng GMA, dito sa lalawigan kamakalawa.

Sakay ng motorsiklo na tinangay umano nito nang matiyempuhan ng pulisya ang suspek na kinilala sa alyas na “Michael”, 34-anyos, residente ng Brgy. Delas Alas, GMA, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:05 ng tanghali nang magtungo sa kanilang himpilan ang biktimang si Anthony Vasquez, 34, factory worker ng Brgy. Bancal, Carmona, Cavite at ini-report ang pagkawala ng kanyang kulay asul na Mitsukoshi Icon 110 motorcycle at may plate number D268BK. 

Sa pahayag ni Vasquez sa pulisya, alas-12:30 umano ng gabi, nagtungo siya sa basketball court ng kalapit na Brgy. Malia upang manood ng Liga ng Basketball. Inihimpil umano niya ang kaniyang motorsiklo sa gilid ng bahay ng kaniyang kaibigan bago nagtungo sa Basketball Court.

Gayunman, pagbalik umano niya sa lugar kung saan iniwan ang kanyang sasakyan ay laking gulat nito nang wala na.

Agad siyang dumulog sa barangay, at hindi siya nagdalawang isip na ikutan at hanapin ang kaniyang motorsiklo hanggang sa mamataan niya ito sa may Luzon Avenue ng Brgy. Made­ran kung kaya agad na siyang humingi ng tulong sa pulisya.

Sa pagresponde ng mga pulis, naabutan nila ang suspek sakay ng nasabing motorsilo na tila namamasyal lang sa lugar. Agad siyang hinuli at kasalukuyan nang nakakulong.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with