^

Probinsiya

Negosyante arestado sa P1.36 milyong shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

PASACAO, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang isang negosyante matapos mahuli sa ginawang buy-bust operation ng mga pulis nang makuhanan ng may P1.36 mil­yong halaga ng droga sa Zone-2, Brgy.Odicon, Pasacao, Camarines Sur kahapon ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang suspek na kinilalang si Ronald Ilustre, 41-anyos, residente ng natu­rang lugar.

Sa ulat, dakong ala-1:45 ng hapon sa tulong ng mga tauhan ng 504th Maritime Police, 1st Provincial Mobile Force Company, Provincial at Regional Drug Enforcement Unit ay ikinasa ng Pasacao Police sa pangunguna ni Major Allan Lopez ang buy-bust operation laban kay Ilustre.

Agad na inaresto ang suspek makaraang iabot sa poseur buyer ang biniling droga.

Nabawi mula sa suspek ang isang bungkos na plastic na may lamang shabu na tumi­timbang ng 200-gramo at nagkakahalaga ng P1,360,000 at ang boodle money na ginamit sa buy-bust.

vuukle comment

KALABOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with