^

Probinsiya

Magkapatid pinagbabaril ng pinsan, 1 patay!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Magkapatid pinagbabaril ng pinsan, 1 patay!
Pinaghahanap na ng mga pulis ang nakapatay ng isang residente ng Zamboanga City at nakasugat ng kuya nito sa pamamaril ng kanilang isang malapit na kamag-anak kamakalawa.
Philstar.com/File photo

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang lalaki habang malubhang nasugatan ang kanyang kuya matapos silang pagbabarilin ng kanilang pinsan sa Zamboanga City nitong Biyernes ng gabi.

Pinaghahanap na ng mga pulis ang nakapatay ng isang residente ng Zamboanga City at nakasugat ng kuya nito sa pamamaril ng kanilang isang malapit na kamag-anak kamakalawa.

Sa paunang ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa Calle Santo Niño sa Zone 7 ng Barangay Ayala, Zamboanga City nitong gabi ng Sabado.

Sa ulat ng Zamboanga City Police Office kahapon, may mga hindi pagkakaunawaan ang napaslang na si Jaime Velez, 35-anyos at ang kanyang 42-anyos na kuya si Jimboy, at sa namaril sa kanila na si Jayson Velez.

Ayon sa mga imbestigador, nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng magkapatid at Jayson, na tinatayang hindi bababa sa 40-anyos ang edad, bago umalingawngaw mula kanilang kinaroroonan ng mga putok na nagsanhi ng kaguluhan sa mga taong nasa kapaligiran.

Mabilis na tumakas si Jayson matapos ang pamamaril na tinutugis na ng mga kasapi ng iba’t ibang unit ng Zamboanga City Police Office at Police Regional Office-9.

vuukle comment

ZAMBOANGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with