Motorsiklong nawawala nasa kapitbahay, ‘kinatay’
ANTIPOLO, Rizal, Philippines — Inaresto ang isang 25-anyos na kilalang magnanakaw sa kanilang lugar nang matagpuan sa bahay nito ang nawawalang motorsiklo habang kinakalas, Sabado ng hapon.
Nahaharap sa reklamong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 ang suspek na si alyas “Jomar”, 25 anyos, residente ng Central I, Barangay Inarawan, Antipolo, Rizal.
Ayon sa imbestigasyon ng Police Community Precinct 2 ng Antipolo Component City Police Station, nadiskubre ng biktimang si alyas “Francis”, 48-anyos, na nawawala ang kaniyang motorsiklo na ipinarada lang nito sa loob ng kanilang compound. Nagtanung-tanong siya sa mga kapitbahay hanggang sa may nakapagsabi na tingnan sa bahay ng suspek dahil alam naman sa kanilang lugar na tirador ito ng motor at sangkot sa mga nakawan.
Dito, nadatnan ng biktima na pinagkakalas-kalas na ng suspek ang kaniyang motorsiklo kaya isinuplong agad sa kanilang barangay sanhi ng kanyang pagkakaaresto.
- Latest