P1.7 milyong droga samsam ng PNP-DEG sa Negros Occidental
MANILA, Philippines — Aabot sa kabuuang ?1,734,000 ang halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa Negros Occidental kahapon ng madaling araw.
Natimbog naman sa operasyon ang high value target na sina alyas Ray-An, 39-anyos, at isang alyas “Madam”, 54.
Ayon kay PNP-DEG director PBrig. Gen. Eleazar Matta, isang buy-bust operation ang ikinasa ng pulisya sa Purok Uno Sisi, Barangay Singcang-Airport, Bacolod City dakong alas-2:30 ng madaling araw nitong Linggo.
Una silang nakatanggap ng impormasyon hinggil sa transaksiyon ng dalawa kaya agad na bineripika at saka ikinasa ang buy-bust.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 255 na gramo ng hinihinalang shabu gayundin ang iba pang ebidensiya.
“Ang masigasig na pagsusumikap ng ating mga operatiba sa pangunguna ng SOU 6-Bacolod, ay nagbunga ng matagumpay na pag-aresto sa mga indibidwal na itinuturing na High Value Individuals,” ani Matta.
- Latest