^

PSN Palaro

Amit sasalang sa 2 major events

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Amit sasalang sa 2 major events
Rubilen Amit

MANILA, Philippines — Nasa alapaap pa si Rubilen Amit matapos ma­tamis na pagreynahan ang 2024 WPA Women World 9-Ball Championship sa New Zealand.

Subalit walang balak tumigil si Amit sa pagbi­bigay ng karangalan sa bansa dahil nakalinya pa ang ilang malalaking torne­ong lalahukan nito.

Sa katunayan, mula sa New Zealand ay agad itong tutulak sa Shanghai, China para sa 2024 WPA 9-Ball China Open na gaganapin sa Setyembre 14 hanggang 22 sa Pudong Tangzhen Culture and Sports Center.

Nakakataya ang tuma­taginting na $165,600 ka­buuang papremyo sa naturang torneo.

Matapos ang China Open, saka lamang babalik si Amit sa Maynila para i-celebrate ang kaniyang tagumpay sa World 9-Ball Championship kasama ang mga kababayan nito.

“From here, there’s a Chi­ na Open in Shanghai, China and then I go back home,” ani Amit.

Maliban sa China Open, nakatakdang tumulak si Amit sa Taiwan para makapagsanay doon.

“I might go to Taiwanto maybe play a bit and train with them,” ani Amit.

Ilang events din ang dadaluhan nito sa mga pro­binsya sa Pilipinas kung saan makakalaban nito ang ilang matitikas na male cue masters sa bansa.

“There’s another tour­na­ment in the province in the Philippines but that’s against men players that’s for experience to learn from them,” dagdag pa ni Amit.

Hahataw din si Amit sa 2024 World 10-Ball Championships sa Nobyembre sa Puerto Rico kung saan pakay ni Amit na maibalik sa kaniyang palad ang kampeonato.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with