Batang Pier itinumba ang Eastern Squad
MANILA, Philippines — Kasabay ng pagbangon mula sa unang kabiguan ay ang pagsosolo ng NorthPort sa liderato ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup.
Pinatumba ng Batang Pier ang guest team Eastern, 120-113, kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Itinaas ng NorthPort ang kanilang baraha sa 6-1 at tinapos ang three-game winning streak ng Eastern para sa 5-2 marka.
Humakot si import Kadeem Jack ng Jack 38 points, habang may 35 markers si Arvin Tolentino.
“Iyong morale ng team ngayon kumbaga tumaas coming from our loss to Phoenix,” wika ni Tolentino. “That’s a good thing I said na may nangyaring positive sa team.”
Nag-ambag si Joshua Munzon ng 15 at may 10 markers si William Navarro.
Walang tropang nakapagtayo ng double-digit lead kung saan kinuha ng Batang Pier ang 63-60 bentahe sa halftime at 106-100 abante sa huling 5:24 minuto ng fourth quarter.
Pinamunuan ni import Chris McLaughlin ang Hong Kong team sa kanyang 26 points, habang may 24, 18 at 13 markers sina Hayden Blankley, Kobey Lam at Glen Yang, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, dadayo ang PBA sa Batangas City sa pagtutuos ng Barangay Ginebra (3-1) at Converge (3-2) ngayong alas-7:30 ng gabi sa Batangas City Coliseum.
Nagmula ang Gin Kings sa 114-98 pagsira sa Terrafirma Dyip (0-6).
“It was a good win for us because we are missing two starters, two really important starters that have been contributing big time for us,” sabi ni coach Tim Cone kina Japeth Aguilar (groin injury) at Stephen Holt (knee).
Sa nasabing tagumpay ng tropa ni Cone ay nagbagsak si import Justin Brownlee ng 49 points tampok an anim na three-point shots.
Iniskor naman ng FiberXers ang kanilang ikalawang sunod na ratsada matapos kunin ang 116-105 panalo sa Phoenix Fuel Masters (1-5).
Nauna nang giniba ng Converge ang NLEX, 102-91.
- Latest