Kai sinuspinde ng Japan B.League
MANILA, Philippines — Pinatawan ng one-game suspension si Koshigaya Alphas slotman Kai Sotto sa Japan B.League.
Hindi nakapaglaro ang 7-foot-3 Pinoy cager sa huling laban ng Alphas kung saan lumasap ng kabiguan ang kanilang tropa sa Utsunomiya Brex sa Koshigaya City General Gymnasium.
Napatawan ng suspensiyon si Sotto matapos itong ma-eject sa huling laban ng Alphas kontra sa San-En NeoPhoenix.
Nagkagirian si Sotto ang ang import ng San-En dahilan para mapatalsik ito sa laro.
Matapos ang suspensiyon ay agad namang makababaik sa aksiyon si Sotto para tulungan ang Alphas sa kampanya nito.
Kasalukuyang may 6-16 rekord ang Alphas.
Sa kabilang banda ay panalo naman ang tropa ni Gilas Pilipinas standout AJ Edu na Nagasaki Velca kontra sa Shimane Susanoo Magic sa iskor na 77-73 sa Happiness Arena.
Limitado ang laro ni Edu na nagkasya lamang sa tatlong puntos at tatlong rebounds sa naturang panalo.
Umangat sa 10-12 ang Nagasaki.
Maganda rin ang laro ni Matthew Wright na kumana ng 21 puntos para sa Kawasaki Brave Thunders.
Subalit hindi ito sapat para buhatin ang Thunders matapos lumasap ng 84-95 kabiguan sa kamay ng Nagoya Diamond Dolphins.
Nalugmok ang tropa ni Wright sa 4-18 marka sa ilalim ng standings.
Matikas din ang laro ni Dwight Ramos na tinulungan ang Levanga Hokkaido sa 78-60 panalo laban sa Ibaraki Robots para sa ikasiyam na panalo ng kanilang koponan.
- Latest