Magiging maganda ang Pasko ni Roda
MANILA, Philippines — Maganda ang magiging Pasko ni Jefrey Roda matapos pagharian ang 3rd Universal Chinese Taipei Open na ginanap sa Taipei, Taiwan.
Nasungkit ng Pinoy cue master ang kampeonato nang itarak nito ang gitgitang 13-11 panalo laban kay dating world champion Ko Pin Yi ng host Chinese-Taipei sa championship round.
“Words cannot express the overwhelming joy and gratitude I feel at this moment. For years, I have dreamed of becoming a champion and through relentless effort, unwavering dedication and countless sacrifices, that dream has finally come true,” wika ni Roda.
Ito ang unang major title ni Roda.
Nagkasya lamang sa runner-up finish si Roda sa Lushan, China, habang nakapasok ito sa semifinals sa Hanoi, Vietnam bago maisakatuparan ang inaasam na kampeonato sa Taiwan.
Kaya naman hindi maitago ni Roda ang saya sa kaniyang tagumpay.
- Latest