^

PSN Palaro

Tolentino kaagad sisimulan ang trabaho

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Tolentino kaagad sisimulan ang trabaho
Ang pagwagayway nI POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa Philippine flag sa likod ng Philippine delegation.
POC photo

MANILA, Philippines — Sa Enero pa lamang ay simula na kaagad sa trabaho si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” To­lentino.

Matapos ang holiday season ay pupulungin ni To­lentino ang POC Executive Board sa Enero 9 na su­sundan ng General Assembly sa Enero 15.

“Work starts in earnest,” wika ni Tolentino na ka­ma­kailan lamang ay nakakuha ng bagong apat na taong termino bilang pangulo ng POC.

Isa sa mga tututukan ang partisipasyon ng Team Philippines sa 33rd Southeast Asian Games na ga­ganapn sa Disyembre sa susunod na taon sa Thailand.

Aminado si Tolentino na magiging matindi ang labanan sa Thailand SEA Games kung saan inaasahang dodominahin ng host country ang medal board.

Ngunit nanindigan ito na lalaban ang Pinoy athletes para humakot ng gintong me­dalya.

“That will be a tough SEA Games, but I’m confi­dent our athletes, our natio­nal sports associations will deliver in Thailand,” ani To­lentino.

Kaliwa’t kanan ang mga in­ter­national competitions sa 2025.

Una na ang 9th Asian Win­ter Games sa Pebrero sa Harbin, China at ang Asian Indoor and Martial Arts Games na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia.

Umaasa si Tolentino na madudugtungan ang ta­gumpay ng Team Philippines sa 2024 Paris Olympics kung saan sumikwat ng dalawang ginto si Carlos Yulo sa gymnastics at dalawang tanso mula kina Nesthy Petecio at Aira Villegas sa boxing.

“It was one historic year in 2024 that raised the bar that high, making the POC’s mission and vision even more challenging,” dagdag ni Tolentino.

Kasama ni Tolentino sa “Working Team” sina first vice president Al Panlilio (basketball), second vice-president Richard Gomez (modern pentathlon), treasurer Dr. Raul Canlas (surfing), auditor Don Caringal (volleyball) and board members Leonora Escollante (canoe-kayak-dragon boat), Ferdie Agustin (jiu-jitsu), Alvin Aguilar (wrestling), Alexander Sulit (judo) at Leah Gonzalez (fencing).

“But it wasn’t impossible and my trust and con­fidence over the NSAs and my ‘Working Team’ could boost our athletes to achieve higher goals,” ani To­lentino.

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with