^

Probinsiya

3 ‘supplier’ ng shabu sa students, arestado

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 �supplier� ng shabu sa students, arestado
Sa ulat ng Police Regional Office-Bangsa­moro Autonomous Region, unang na-entrap kamakalawa ng mga ope­ratiba ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, sa pamumuno ni Lt. Col. Esmael Madin, sina Born Salik Mangacop, 40-anyos, at ang kasabwat na 55-anyos na babaeng si Koraima Maliga, na kilala sa pagbebenta ng shabu sa mga paligid ng mga paaralan.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga pulis ang abot sa P125,508 na halaga ng shabu sa tatlong dealers na kilala sa pagbebenta ng shabu sa paligid ng mga paaralan makaraan silang malambat sa  magkahiwalay na buy-bust operations sa Central Mindanao.

Sa ulat ng Police Regional Office-Bangsa­moro Autonomous Region, unang na-entrap kamakalawa ng mga ope­ratiba ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, sa pamumuno ni Lt. Col. Esmael Madin, sina Born Salik Mangacop, 40-anyos, at ang kasabwat na 55-anyos na babaeng si Koraima Maliga, na kilala sa pagbebenta ng shabu sa mga paligid ng mga paaralan.

Hindi na pumalag sina Mangacop at Maliga nang arestuhin matapos na makapagbenta ng P5,508 na halaga ng shabu sa mga tauhan ni Madin na nagpanggap na mga su­gapa sa illegal na droga.

Kasunod nito, isang pa umanong dealer ng droga na kilala sa probinsya ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur na nagbebenta ng shabu sa mga estudyante, na kinilalang si Tokel Kadatuan, 31-anyos, ang nadakip ng mga pulis sa Barangay Poblacion 7 sa Midsayap sa probinsya ng Cotabato ilang oras lamang matapos ang buy-bust laban kina Mangacop at Maliga sa hindi kalayuang bayan ng Sultan Kudarat. 

Sa pahayag nitong Lunes ni Lt. Col. John Mi­ridel Calinga, hepe ng Midsayap Municipal police, nasa kustodiya na nila si Kadatuan, residente ng Barangay Bala­nakin sa Datu Piang, Maguindanao del Sur, sa tulong ng mga kamag-anak at mga local officials na pinamumunuan ni Midsayap Mayor Rolly Sacdalan.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with