^

Probinsiya

4 police intel, sibak sa pagdukot sa 3 katao

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
4 police intel, sibak sa pagdukot sa 3 katao
Ang tatlong pulis na ‘di pa pinalanganan ay pawang nakatalaga sa Calamba Intelligence Division na nahaharap na rin sa kasong administratibo na inihain ng mga kaanak ng mga biktima sa National Police Commission (Napolcom).
STAR/File

Inuugnay sa ‘2 bangkay sa drum’

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Apat na intelligence officer ng Philippine National Police (PNP) ang sinibak sa puwesto matapos silang idawit sa magkahiwalay na pagdukot ng tatlong katao sa Laguna na inuugnay sa dalawang bangkay na sinemento sa drum na nadiskubreng nakalutang sa ilog sa Calamba City.

Ang tatlong pulis na ‘di pa pinalanganan ay pawang nakatalaga sa Calamba Intelligence Division na nahaharap na rin sa kasong administratibo na inihain ng mga kaanak ng mga biktima sa National Police Commission (Napolcom).

Ang relief order ay nagmula sa Office of the Provincial Director at sila ay ipinatawag kasama ang kanilang superior para magbigay ng kanilang pa­nig para sa mga alegasyon.

Ang mga opisyal ay napaulat na nakuhanan ng video footage ng close-circuit television camera (CCTV) na naka-install malapit sa umano’y insidente ng pagdukot, na nagpapakitang kinaladkad ng mga pulis ang dalawang hindi pa nakikilalang tao sa loob ng sasak­yan sa Barangay Parian, Calamba City, Laguna, noong Ene­ro 11, habang ang kaanak ng biktima ay kinilala ang mga pulis na sapilitan umanong binitbit ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Los Baños City noong Marso 28.

Sa ulat ng pulisya, ang mga biktimang sina Diolito Garay Sr., 60, at Aldy Raquion, 23, kapwa residente ng Purok 7, Barangay Parian, Calamba City, ay naiulat ng isang Karen Garay, 23, online seller ng general merchandize at kamag-anak ng biktima, na mga nawawala sa Barangay Parian, Calamba City noong Enero 24, pero inireport lamang sa istasyon ng pulisya noong Marso 11, 2024.

Samantala, noong Abril 2, natagpuan ang dalawa katao na isinilid at nakasemento sa drum habang nakaposas, ng isang mangingisda sa Busig-on river sa Barangay Submakin, Lobo, Camariñes Norte. Ang Labo Police ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa pagkakakilan ng dalawang bangkay sa sinemento sa drum na maaaring tumugma sa dalawang nawawalang sina Garay at Raquion.

Ayon naman sa mga reliable sources, ang dalawang nawawalang tao na dinukot sa Laguna ay ang natagpuang patay sa Lobo, Camariñes Norte habang ang nawawala sa Los Baños City, ay hinihinalang pinatay at hindi pa natatagpuan.

Ang lahat ng mga nawawalang tao ay pinaghihinalaang sangkot sa mga aktibidad ng droga.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with