^

Police Metro

Seguridad sa SONA ni Pangulong Marcos, tiniyak ng PNP

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pang-masa

Kasunod ng ‘designated survivor’ joke ni VP Sara

MANILA, Philippines — Kasunod ng “desig­nated survivor” joke ni Vice President Sara Duterte, tiniyak ng Phili­ppine National Police (PNP) na walang banta sa seguridad sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand  Marcos, Jr. sa Hulyo 22.

Sinabi ni VP Sara na siya ay “designated survivor” kaya hindi siya dadalo sa SONA ni Marcos.

 Ayon kay PNP Public Information Office chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo, plantsado na ang lahat ng seguridad at walang dapat na ikabahala sa paglalahad ni Pa­ngulong Marcos ng kanyang SONA sa Batasang Pambansa Complex.

“Wala pa naman tayong namo-monitor na ano mang seryosong banta sa ating seguridad lalong lalo na sa pagsasagawa ng SONA ng ating Pangulo,” ani Fajardo.

“Patuloy ‘yung ating intelligence gathering and monitoring katuwang ng ating security forces particularly ‘yung Armed Forces of the Philippines,” dagdag ni Fajardo.

Nasa 22,000 pulis ang nakakalat para sa SONA kung saan 6,000 dito ang itinalaga sa paligid ng Batasang Pambansa Complex.

Samantala, inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mahigit 1,300 personnel nila ang ide-deploy sa SONA. 

 Ayon sa MMDA Special Event Operations,  sa mga nakalipas na SONA, bandang alas-3:00 ng hapon ay mas matindi ang trapiko lalo na sa Commonwealth Avenue dahil sa pagdating ng mga dignitaries kaya’t mag-aantabay ang kabuuang 1,329 na traffic and parking management officers, road emergency responders., clearing and cleaning groups at technical teams ng MMDA.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with