^

Police Metro

VP Sara satisfaction rating bumaba – survey

Angie dela Cruz - Pang-masa
VP Sara satisfaction rating bumaba � survey
Vice President Sara Duterte.
DepEd Philippines / Facebook page

MANILA, Philippines — Batay sa latest Social Weather Stations (SWS) survey ay bumaba sa +44 ang satisfaction rating ni Vice President Sara Duterte nitong nagdaang buwan ng Hun­yo mula sa dating +63 noong Marso.

Ito na ang umano’y sinasabing pinakamababang satisfaction rating ni VP Sara mula nang ma­ging ikalawang Pangulo ng bansa.

Sinasabing ang resulta ng pagbagsak ng survey ni VP Sara Duterte ay nangyari makaraang lisanin nito ang posisyon bilang Education Secretary at magpahayag ng mga negatibong pananalita laban sa pamamahalang Marcos laluna noong hu­ling kuarter ng nagdaang taong 2023.

Ang survey ay ginawa noong Hunyo 23 hanggang July 1 ilang araw makaraang lisanin ang Deped noong June 19.

Gayunman, nananatili namang nakopo ni Duterte ang “good” overall satisfaction rating, na may 65% satisfied at 21% dissatisfied sa kanyang performance.

Nakuha ni Sara ang mataas na rating mula sa kanyang rehiyon sa Mindanao na may “excellent” +73 net satisfaction score. Nakuha naman ang “good” ratings sa Visayas +47, Metro Manila +32, sa nalalabing bahagi ng Luzon +31.

Mataas naman ang kanyang net satisfaction na “very good” sa hanay ng mga kababaihan na nasa +50 at sa less formal education at +54 sa non-elementary graduates. “Good” naman ang nakuhang net satisfaction sa mga kalalakihan na +37, urban residents +42 na may edad 55 taong gulang pataas at “moderate” +27.

vuukle comment

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with