^

Police Metro

Piston sasama sa tigil-pasada ng Manibela

Angie dela Cruz - Pang-masa
Piston sasama sa tigil-pasada ng Manibela
Members of the transport group Manibela march towards the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) and Land Transportation Office (LTO) main offices along East Avenue in Quezon City on June 10, 2024 to start their three-day transport strike against the public utility vehicle (PUV) registration and apprehension of unconsolidated passenger jeepneys.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines —Sasama sa tatlong araw na tigil-pasada ng grupong Manibela na simula Agosto 14 hanggang 16 ang makakaliwang grupo ng transportasyon na  Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston).

Sinabi ni Mody Floranda, national President ng Piston na hihigitan nila ang araw ng protesta ng Manibela dahil hindi lamang sa Metro Manila gagawin ang kanilang pagkilos kundi pati na rin sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Inaasahan ng Piston na aabutin ng may 70 percent hanggang 80 percent ang pagparalisa sa biyahe ng mga pampasaherong sasakyan sa gagawin nilang ibat ibang uri ng protesta ngayong buwan.

Anya,dapat muling pag-aaralan ang PUV mo­dernization na itinutulak ng LTFRB at DOTr dahil wala pa naman itong katiyakan na may totoong tulong para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapapabuti ang kabuhayan ng mga maliliit na tsuper sa bansa.

“23 senador ang pumirma para sa suspension ng PUV modernization kaya dapat muling pag-aralan ang programang ito at kung talagang may hatid na tulong sa aming hanay, naglabas ang LTFRB ng resolosyon noong April 30 na 80 percent ang nag-comply sa modernization pero may 244 ruta sa Metro Manila ang non-compliant sa programa at 2,600 ruta ang  non compliant sa  consolidation, ‘yang datus ng LTFRB ay pinangatawanan na nila at ibinigay kay PBBM pero hindi muna nila inalam kung anu ang epekto ng programa  sa aming maliliit na tsuper” dagdag ni Floranda.

Samantala,pinasalamatan ng pro-PTMP transport group na “Magnificent 7” si Marcos sa paninindigan sa modernization program.

PISTON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->