^

Police Metro

BuCor officer, 2 pa tiklo sa P68 milyong shabu

Ludy Bermudo - Pang-masa
BuCor officer, 2 pa tiklo sa P68 milyong shabu
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Paul”, Corrections Officer 1 (CO1), 30-anyos, nakatalaga sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP);alyas “Reynold”, 34-anyos, security guard, ng Manila; at alyas “Romeo”, truck driver,34-anyos, residente ng Pa­rañaque City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) at dalawa nitong kasama ang naaresto sa isang buy-bust ope­ration ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nasamsam ang nasa  P68-milyong halaga ng shabu,kamakalawa.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Paul”, Corrections Officer 1 (CO1), 30-anyos, nakatalaga sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP);alyas “Reynold”, 34-anyos, security guard, ng Manila; at alyas “Romeo”, truck driver,34-anyos, residente ng Pa­rañaque City.

Sa ulat na nakara­ting kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., nadakip ang tatlo sa sa isinagawang buy-bust operation  sa Skate Park, Bulungan, Parañaque City.

Nasa 10 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P68,000,000.00, isang pistola na may walong live ammunition, mga identification card, official receipts, dalawang cellphone, dalawang wallet, isang pirasong genuine na P1,000 bill sa ibabaw ng mga bundle ng boodle money na ginamit sa buy-bust at dalawang sasakyan ang nakumpiska. Agad na sinibak sa serbisyo ang tauhan ng BuCor.

vuukle comment

BUCOR

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with