^

Police Metro

Bagong arrest warrant isinilbi ng NBI vs Quiboloy atbp

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bagong arrest warrant isinilbi ng NBI vs Quiboloy atbp
Pastor Apollo Quiboloy.
Sunshine Media

MANILA, Philippines — Isang panibagong warrant of arrest ang isinilbi ng National Bureau of Investigation (NBI)-Region 11 nitong Biyernes ng laban sa televangelist na si Apollo Quiboloy at iba pang akusado.

Batay sa ulat, isinilbi ng regional NBI ang arrest warrant sa Kingdom of Jesus Christ, na itinatag ni Quiboloy sa Davao City.

Inihayag ni NBI-Regional 11 director Archie Albao na naganap ang pagsisilbi ng tatlong arrest warrants ng isang oras, subalit mapayapa umano ang operasyon.

Base pa sa ulat, sini­lip ng mga otoridad ang underground ng bahagi ng KOJC, na ginagawa pa, subalit hindi nila nakita si Quiboloy o sinuman sa iba pang co-accused.

Hiniling ni Israel Torreon, abogado ni Quiboloy at ng KOJC, na huwag nang magdala ng armas o mga tauhan sa pagsisilbi ng warrants tulad ng ginawa ng NBI.

Dagdag ni Torreon, papayagan nila ang mga otoridad na makapasok sa simbahan kung may wastong koordinasyon.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with