^

Police Metro

Mangingisda tinodas ng kainuman

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 27-anyos na mangingisda matapos na pagsasaksakin ng kanyang kainuman nang  magtalo at magsuntukan sa Purok-6, Brgy.Dalepi, Cawayan, Masbate ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na nagtamo ng malalim na saksak sa dibdib at ilang bahagi ng katawan na si “Lito”.Habang arestado ng mga pulis ang suspek na si “Romy”, 34-anyos, kapwa mangingisda at residente ng naturang barangay.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-2:00 ng hapon ay nag-iinuman ang dalawa kasama ang ilang kaibigan nang magkaroon ng pagtatalo sa hindi pa malamang kadahilan na nauwi sa suntukan.

Gayunman, makaraang magsapakan ay umuwi ang suspek at nang bumalik ay armado na ng patalim at agad pinagsasaksak ang biktima na duguang humandusay at namatay.

vuukle comment

DALEPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with