^

Police Metro

DOH sa mga pasyenteng may leptospirosis: Hanap muna ng ibang ospital

Ludy Bermudo - Pang-masa
DOH sa mga pasyenteng may leptospirosis: Hanap muna ng ibang ospital
Doctors and nurses attend to patients as they convert a gym into a ward at the National Kidney and Transplant Institute (NKTI) in Quezon City on Friday after the cases of Leptospirosis ballooned due to the flooding brought by Typhoon #CarinaPH and the enhanced Habagat two weeks ago. R
Miguel De Guzman/The Philippine STA

Bukod sa NKTI

MANILA, Philippines — Humanap muna ng ibang ospital maliban sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) kasunod ng pagtaas ng kaso ng nasabing sakit dahil sa bahang dulot ng nagdaang bagyong Carina at epekto ng habagat.

Ito ang naging panawagan ng Department of Health (DOH) sa mga leptospirosis patient na sa kasalukuyan ay ilang kumpirmado at pinaghihina­laang kaso na rin ng leptospirosis ang nasa NKTI.

Kaya naman upang masigurado ang maayos at mabilis na paggamot sa mga pasyente ay hinihikayat nito ang mga healthcare provider na idirekta ang mga pinaghihinalaan o posibleng kaso ng leptospirosis sa mga kalapit na ospital na may sapat ding kakayahan.

Aktibo naman ang isinasagawang assessment ng health department sa sitwasyon upang masiguro ang epektibong pagtugon sa banta ng sakit na leptospirosis.

Nagbigay naman ang DOH ng mga contact number para sa koordinasyon at referral ng mga pasyente. Maaa­ring tawagan ang DOH Metro Manila Center for Health Development sa (02) 8531-0037 o (0920) 283-2758. Gayundin, sa DOH Central Hotline sa 1555 at pindutin ang 2 para sa karagdagang tulong.  

NKTI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with