3-anyos tepok sa nalunok na kendi!
Bumara sa lalamunan..
MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 3-anyos na batang lalaki nang mabilaukan sa kendi na kanyang nalunok nitong Disyembre 4 sa San Jose City, Nueva Ecija.
Ayon sa pagsisiyasat sumama ang bata sa kanyang amang si Christian sa tindahan upang bumili ng sabon.
Subalit nag-iiyak ang biktima at nagpabili ng kendi. Binili naman ni Christian ng dalawang kendi ang anak.
Nagulat na lamang si Christian nang mapansin
na namumutla na ang bata hanggang sa madiskubreng nabilaukan na ito ng kendi.
Sinabi ni Christian na binaligtad niya ang anak para maisuka ang kendi pero walang nangyari. Sunod niya itong niyakap at saka inipit ang sikmura pero hindi pa rin nagbago ang kondisyon ni Harvey.
Humingi na ng tulong si Christian sa mga tao at nailuwa ng bata ang isang kendi habang naiwan ang isa pa.
Dinala pa sa ospital ang bata subalit hindi na naisalba pa ng mga sumuring doktor.
- Latest