^

Police Metro

Marcos, VP Sara ‘di na nagkikita at nag-uusap

Elizabeth Marcelo - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Wala akong description sa relationship namin ngayon ni President Marcos. Hindi na kami nagkakausap, hindi na rin kami nagkikita”.

Ito ang pahayag ni Vice President Sara Duterte hinggil sa kasalukuyan nilang relasyon nila Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang panayam ng Sonshine Media Network International (SMNI) nitong Huwebes.

Nitong Miyerkules, Agosto 7, binatikos ni Duterte ang pamahalaan kabilang ang Kamara dahil sa kakulangan umano nito ng aksyon sa mga isyu sa kalusugan, seguridad, imprastruktura, at foreign interference.

Sa mahabang pahayag para sa Muslim community, sinabi ni Duterte na ang bansa ay pinamamahalaan ng mga opisyal na “disloyal” sa sinumpaang tungkulin.

“Kung sino ‘yung nakikita ninyo nagre-react publicly and privately sa mga sinasabi ko, ‘yan ‘yung mga tao na natatamaan sa mga sinabi ko sa statement ko kahapon,” sinabi ni Duterte.

“Yung hindi tapat sa serbisyo, hindi tapat sa kanilang trabaho at hindi tapat sa pagsisilbi sa ba­yan,” dagdag pa niya.

“Hindi ako guma­galaw para sa administrasyon, hindi ako guma­galaw para sa oposisyon, hindi politika kundi para sa bayan,” ani Duterte.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with